Mga gumagaling sa COVID-19, nadagdagan pa; bilang ng nasawi, naungusan sa San Juan City

Nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga gumagaling sa San Juan City kung saan ay pumalo na sa 36 ang mga gumaling sa COVID-19 mula sa 33 ang nagpositibo na 36 na naungusan na nito ang bilang mga nasawi na umabot lamang sa 31 habang umakyat sa 170 ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 at 347 naman ay suspected cases.

Hinimok ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kanyang mga kababayan na patuloy lang sa pagdadasal para sa paggaling ng mga may sakit sa San Juan at sa buong Pilipinas.

Mungkahi ng alkalde para maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19, ay kinakailangan na sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at sundin ang mga precautionary measures tulad ng pananatili sa loob ng bahay.


Mas mainam, aniya, kung palagiang paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo o gamit ang 70% solution na alcohol, pag-iwas sa paghawak sa mata, ilong at bibig, madalas na pag-disinfect ng paligid, at pagsuot ng mask tuwing lumalabas ng bahay.

Paliwanag ng alkalde kung mayroong mga kasamahan sa bahay na may dinaramdam kahit isang sintomas lang ng COVID-19, agad na ihiwalay ng kwarto at banyo, ibukod ang gamit gaya ng kutsara at tinidor.

Makakatulong din, aniya, kung sumangguni kaagad sa Barangay Health Emergency Response Team at sa City Health Office para agad na magabayan.

Dagdag pa ni Zamora mayroon namang Kalinga Center na matatagpuan sa bagong gusali ng San Juan City Science High School para sa mga pasyente na may simpleng sintomas. Doon sila ay ma-isolate, magagamot at maaalagaan para hindi na makapanghawa pa at tuluyan nang gumaling.

Facebook Comments