Naitala sa 94% o katumbas ng 21,299 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Quezon City.
Ito’y ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa estado ng COVID-19 sa lungsod.
Nasa 777 na lang o 3% ang active cases ngayon mula sa 22,730 ng kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit.
Aabot naman sa 654 ang bilang ng mga namatay na sa nakakahawang sakit.
Ang Barangay Batasan Hills, Commonwealth, Payatas, Holy Spirit, Pasong Tamo at Matandang Balara pa rin ang nangungunang may pinakamaraming namatayan mula nang magsimula ang pandemya.
Facebook Comments