MGA GUMAGALING SA SA SAKIT NA TUBERCULOSIS SA REGION 1, TUMAAS PA

Tumaas pa ang bilang ng mga indibidwal na gumagaling sa sakit na tuberculosis sa Region 1 ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) Region 1.

Ayon sa datos ng kagawaran, may 90% hanggang 97% na rate ng tagumpay sa paggamot ng tuberculosis (TB) sa mga probinsya ng Ilocos Region.

Sa pagdedetalye ni Dr. Rheuel Bobis ng DOH-1 sa isang panayam, pinakamataas ang success rate sa Ilocos Sur na may 97.23%, sinundan ng Pangasinan na may 93.10%, La Union na may 92.40%, at Ilocos Norte na may 91.93%.

Patuloy naman ang pagbibigay ng DOH ng mga gamot at kagamitan para sa TB, at pinalalakas ang aktibong paghahanap ng kaso upang masugpo ang sakit.

Layunin ng ahensya na masala ang 17% ng populasyon sa rehiyon at gamutin ito gamit ang patient-centered care.

Patuloy rin sa pagpapalawig ang DOH ng mga diagnostic laboratories sa rehiyon upang mapabuti ang pagtuklas at paggamot ng TB. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments