Mga gumagawa ng asin sa bansa, susuportahan ng gobyerno

Susuportahan ng pamahalaan ang mga grupong gumagawa ng asin sa bansa.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Public Information Officer Nazzer Briguerra, pinondohan na ng P100 million ang development program para sa salt industry noong nakalipas na taon, upang gawing self-sufficient ang suplay ng asin at hindi na kailanganin pang umangkat nito.

Aniya, nasa 30 grupo ng gumagawa ng asin at higit 100 na benepisyaryo na ang nakalista sa inisyal na profiling ng ahensya.


Aminado si Briguerra na hindi natututukan ng gobyerno ang salt industry sa nakalipas na maraming taon.

Sa katunayan aniya ay walang datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) para ipakita kung ano ang takbo ng naturang industriya.

Dahil dito,magpapatupad ng mga programa ang pamahalan para sa naghihingalong industriya, tulad ng pagbibigay ng mga bagong kagamitan at training o tamang kasanayan sa paggawa ng asin.

Facebook Comments