Mga gumagawa ng fake news, miserableng tao – vice presidential candidate Tito Sotto

Tinawag ni vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III na posibleng miserableng tao o miserable ang buhay ng mga nagpapakalat ng fake news para sirain ang isang tao o ang isang kandidato.

Ayon kay Sotto, maaaring masama ang loob ng mga nagpapakalat ng fake news o masama ang sitwasyon ng buhay kaya ginagawa ang pagpapakalat ng fake news.

Suportado naman ni Sotto ang ginawang hakbang ni Lacson na isapubliko ang planong demolition job laban sa senador upang maagapan ang posibleng pagkalat nito.


Katwiran ni Lacson na mas mabuti na unahan na niya bago kumalat ang fake news laban sa kanya.

Giit pa ni Sotto, mas mabuti na rin ang ginawa ng kanyang partner dahil kapag hindi sila kumibo ay lalabas sa publiko na totoo ang fake news at kapag kumalat naman ay mahirap ng iayos.

Tinitiyak naman ni Lacson na credible ang pinagmulan ng impormasyon na mula mismo sa kampo ng isang kandidato na hindi na pinangalanan pa ni Lacson.

Facebook Comments