Mga gumaling sa bansa sa COVID-19, 88.3% na

57

328,258 na o 88.3% ang bilang ng mga gumaling sa bansa sa COVID-19.

Ngayong araw, 245 ang panibagong naka-recover habang ang bagong kaso ay 1,607.


Ang kabuuang kaso na ng COVID-19 sa bansa ay 371,630.

Ang active cases naman ay 36,333 o 9.8%.

Habang ang bilang ng mga binawian ng buhay ay 7,039 matapos madagdagan ng 62 ngayong araw.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na binawian ng buhay sa COVID-19 at wala ring nadagdag sa bilang ng mga naka-recover sa hanay ng Overseas Filipinos.




Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 815 habang ang total recoveries ay 7,248.

4 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa hanay ng mga Pinoy mula sa 81 na mga bansa ay 11,203.

Habang ang active cases ay 3,140.

Facebook Comments