Umakyat na sa 303 mga pasyente ang nakarekober dahil sa COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, dahilan ito upang umabot na sa 538 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 kung saan 203 rito ang aktibong kaso.
Nananatili naman sa 32 ang bilang ng mga binawian ng buhay habang 303 ang nakarekober.
Giit ni Mayor Teodoro, mahigpit ang ginagawang pagpatutupad ng social distancing at pinagbabawal ang mga residente na lumabas kung walang suot na facemask, maging ang mga vendor at sumailalim na rin sa rapid test upang matiyak na walang mahahawaan sa mga palengke ng Marikina City.
Facebook Comments