11 pang pasyente ng COVID-19 ang nakarekober sa sakit sa ilang pagamutan sa Quezon City.
Base sa ulat ng QC Health Department, nasa 103 na ang kabuuang bilang ng mga pasyente ang gumaling.
Nasa 98 ang kabuuang bilang ng mga namatay matapos madagdagan pa ng apat mula sa 1,067 pasyente na may confirmed COVID-19 cases.
Sa anim na distrito sa lungsod, pinakamaraming naitalang may kaso ng COVID-19 ay sa district 4 na may 34 na barangay, abot sa 186 cases ang naitalang nahawaan ng virus, 37 ang namatay na at 26 ang nakarekober habang pumapangalawa ang District 3 na may 144 cases, 18 ang namatay at 23 ang nakarekober.
Ngayong araw, magbubukas uli ng bagong community-based testing center sa District 3, sa Brgy. Matandang Balara Covered Court. Target nito na makapagsagawa ng 35 hanggang 50 tests kada araw.