Umabot na sa 81% o 15,361 ang gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.
Sa pinakahuling report ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit, 3,013 ang kumpirmadong active cases o pwedeng makahawa pa.
Ito’y mula sa 18,918 kabuuang bilang ng naitalang nagpositibo sa lungsod.
Abot naman sa 544 ang pumanaw nang dahil sa virus.
Ayon sa CESU, magkakaroon sila ng bagong paraan ng paglalahad ng datos patungkol sa mga kaso ng COVID-19 tulong ng OCTA Research.
Ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa ating lungsod.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report na ilalabas sa QC LGU website ito upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.