Mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa 9,799

28

Nadadagdagan ang bilang ng mga gumagaling sa pagkakasakit na dulot ng COVID-19 sa Quezon City.

Nadagdagan ng 114 ang mga nakarekober na sa ngayon ay may kabuuang bilang na 9,799.

Batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at ng mga District Health Offices ang total number ng validated cases ay nasa 12,317.

Ito’y makaraang madagdagan ng 297 ang mga bilang ng nagkakasakit sa lungsod.

Mula sa kabuuang bilang, 2,086 dito ay mga active cases.

May apat namang naidagdag sa mga pumanaw na may kabuuang bilang na 432.

Facebook Comments