Mga gumaling sa COVID, 3 hanggang 4 na buwan pa bago mabakunahan

3 hanggang 4 na buwan pa bago maaaring mabakunahan kontra COVID-19 ang mga gumaling sa nasabing sakit, ito ang kinumpirma ni Dr. Rommel Lobo, miyembro ng National Adverse Event Following Immunization Committee.

Ayon kay Dr. Lobo, mayroon pa kasing antibodies sa loob ng 3 hanggang 4 na buwan ang mga gumaling sa COVID.

Sa ganitong pagkakataon aniya, mas inuuna nila sa pagbabakuna ang mga hindi pa nagka-COVID.


Sa kaso kasi ng namatay na health worker na babae, sinabi ni Dr. Lobo na February 21 ito nagnegatibo sa COVID at February 23 ay nagpositibo.

March 4 naman ito nabakunahan dahil wala na siyang sintomas ng COVID-19 at March 8 siya ay muling nagpositibo sa sakit.

Sinabi ni Dr. Lobo na noong una itong inalok na ipa-admit sa ospital ay tumanggi ito at kalaunan ay pumayag na rin kung saan sa pagamutan na siya binawian ng buhay.

Facebook Comments