Mga gun ban violators, patuloy ang pagdami ayon sa PNP

Nadagdagan pa rin ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kahapon, May 30 ay umabot na ito sa 3,478.

Sa bilang na ito, 3,343 ang sibilyan, 61 ang security guards, 26 ang miyembro ng PNP, 22 ang tauhan ng AFP at 26 ang iba pang violators.


Pinakamarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,245

Nakumpiska sa mga ito ang 2,683 na firearms; 1,240 na deadly weapons at mahigit 16,000 na mga bala.

Ang gun ban ay ipatutupad sa buong bansa hanggang sa June 8, 2022.

Facebook Comments