Mga gun ban violators umabot na sa mahigit 3000 ayon sa PNP

Patuloy ang pagdami ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng halalan 2022 sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Mayo 6, umabot na ito sa 3,053 matapos mahuli ang karagdagang 40 na violator kahapon.

Sa nasabing bilang, 2,937 ang sibilyan, 51 ang security guards, 22 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng AFP at 26 ang iba pang violators.


Pinakamarami sa mga nahuli ay sa NCR na nasa 1,131; kasunod ang
Region 4A na nasa 338; Region 7 na nasa 325; Region 3 na nasa 275; at Region 6 na nasa 186.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,410 na firearms; 1,111 na deadly weapons, kabilang ang 115 na pampasabog; at mahigit 12 libong mga bala.

Mula Enero 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 2,922 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments