Kahit tapos na ang botohan patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong, May 11, umabot na ito sa 3,203 matapos mahuli ang karagdagang 190 na violators.
Sa nasabing bilang, 3,072 ang sibilyan, 60 ang security guards, 23 ang miyembro ng PNP, 12 ang tauhan ng AFP at 26 ang iba pang violators.
Pinakmarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,147; kasunod ang
Region 4A na may 343; Region 7 na may 335; Region 3 na may 292; at Region 6 na may 191.
Nakumpiska sa mga ito ang 2,494 na firearms; 1,154 na deadly weapons, kabilang ang 126 na pampasabog; at mahigit 15,000 na mga bala.
Mula naman January 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 3,012 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang gun ban ang ipatutupad sa buong bansa hanggang sa June 8, 2022, ang pagtatapos ng election period.