Mga gun owner, pinaalalahanan ng PNP na maging responsable

Dapat na manatiling responsable ang lahat ng mga gun owners sa paggamit ng kanilang baril.

Paalala ito ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba kasabay nang pag-anunsyo ng mga hindi dapat gawin ng mga gun owner.

Una aniya dapat ay hindi nakainom ng alak ang may bitbit ng baril at dapat ito’y gagamitin para pangdepensa lamang sa sarili laban sa pag-atake.


Sinabi ni Alba na ang sinumang gun owners na mapapatunayang may paglabag ay babawian ang baril at kakanselahin ang kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) .

Paaala rin ng PNP na dapat ang baril ay nasa compartment lamang ng motorsiklo o sa loob ng sasakyan.

Bawal daw itong bitbitin sa mga places of worship, sa mga painuman at amusement places at maging sa mga commercial at public establishment.

Panawagan din ng PNP sa publiko na ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na police station kung may gun owner na makikitang may mga paglabag.

Facebook Comments