MGA GUN OWNERS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, MULING HINIMOK NG POLICE REGIONAL OFFICE 1 NA MAKILAHOK SA LTOPF CARAVAN SA SUSUNOD NA LINGGO

Sa susunod na linggo magkakaroon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) and Firearms Registration Caravan ang hanay ng kapulisan.
Partikular na gaganapin ang karaban na ito sa Dagupan City People’s Astrodome, Lungsod ng Dagupan sa darating na August 17-18, 2023.
Ayon sa abiso ng PRO-1, dalawang araw ang inilaan sa lungsod para sa naturang karaban upang makadalo ang mga gun owners sa lalawigan upang makapagparehistro na at upang makuhanan na ng kaukulang dokumento ang mga baril na hindi pa nakarehistro.

Layunin ng programang ito ng kapulisan ay mas mailapit na sa mga residenteng may hawak nab aril upang hindi na mahirapang pumunta pa sa La Union upang magparehistro at magrenew ng baril.
Dito tutulungan din ang mga gun owners na magawan ng paaran ang mga napasong rehistro ng mga baril.
Panawagan ngayon ng kapulisan na magtungo lamang sa nabanggit na lugar ng karaban upang iparehistro o i-renew ang mga hawak na baril upang maiwasan na ma-katok ng mga kapulisan ang sinumang hindi pa gumagalaw sa pagpaparehistro at pag-renew ng baril.
Sa gaganaping karaban, target na mabigyan ng serbisyo ang nasa 150 na mga gun owners pataas.
Dalhin na lamang ang mga kinakailangang mga dokumento ukol sa LTOPF Caravan ng kapulisan. |ifmnews
Facebook Comments