Marawi City – Plano ng pamunuan ng Department of Education na isailalaim sa psycho-social debriefing ang lahat ng mga guro at estudyante na nakaranas ng matinding trauma dahil sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, matinding trauma ang nararanasan ng mga guro at estudyante sa Marawi City dahil sa walang humpay na bakbakan sa pagitan ng Maute group at tropa ng pamahalaan.
Paliwanag ng kalihim mahalaga na sumailalim sa psycho-social debriefing ang mga guro at estudyante upang mawala ang trauma o takot nila sa nangyaring bakbakan sa kanilang lugar.
Napag- alaman na mahigit 70 mga guro ang kasalukuyang hinahanap ng kagawaran dahil hindi pa bumabalik ang mga ito sa kani-kanilang mga supervisors.
Giit ni Briones, gumagawa ng paraan ang kagawaran para makita o masumpungan ang mga guro na hindi pa rin nakapag-report sa kanilang mga superiors.