Hinimok ni Committee on Education Chairman Senador Win Gatchalian ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na isali ang mga guro, kabilang ang mga punong-guro at kawani ng mga paaralan sa mga grupong unang mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Gatchalian, ang pagpapabakuna sa mga guro ay mahalagang hakbang sa ligtas na pagbubukas muli ng mga paaralan.
Paalala ni Gatchalian, ibinubuwis ng mga guro at kawani ng mga paaralan ang kanilang buhay at kalusugan upang ihanda at ipamahagi ang mga learning materials para sa distance learning, kabilang ang mga self-learning modules na ginagamit ng 87 porsyento ng mga mag-aaral.
Diin ni Gatchalian, mahalaga ang muling pagbubukas ng mga paaralan upang hindi lumala ang krisis sa edukasyon na kinakaharap ng bansa.
Tinukoy rin ni Gatchalian na bagama’t wala pang tiyak na petsa kung kailan unang ipapamahagi ang mga bakuna, naghahanda na ang Department of Education (DepEd) para sa limitadong face-to-face classes sa mga piling paaralan na matatagpuan sa mga lugar na walang banta ng COVID-19.