Mga guro, dapat nang obligahing magpabakuna ayon sa isang infectious disease expert

Naniniwala si infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na dapat ay inoobliga na ang mga guro na magpabakuna kontra COVID-19 sa gitna ng pagbabalik ng face-to-face classes simula sa Lunes, August 22.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Solante na kinakailangan magkaroon ng mataas na immunization rate sa mga guro.

Dapat aniyang magsilbing halimbawa ang mga ito para magpabakuna rin ang mga estudyante.


Sinabi ni Solante, maraming mga magulang ang nangangamba na hindi bakunado ang mga guro na haharap sa kanilang mga anak.

Kaya naman umaasa ang eksperto na mai-roll out na rin ang booster sa lahat ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.

Dapat din aniyang simulan na ang pagpa-plano sa pagbibigay ng booster sa mga nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Facebook Comments