Nagpapasalamat ang mga guro, estudyante at mga magulang ng Sta. Catalina Elementary School sa Brgy. San Lucas 1 sa San Pablo City, Laguna sa isinagawang Dental Health Awareness at Livelihood Project ng Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs District 383 at RMN Foundation katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.
Bukod sa Dental Health Awareness at Livelihood Project, ikinatuwa rin ng nasa 180 estudyante ang hygiene kits na kanilang natanggap mula sa RMN Foundation gayundin ang masarap na almusal mula Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs District 383 at Blissful Family.
Ayon kay Faye Maida Llagas ang school head ng Sta. Catalina Elementary School, malaking bagay ang isinagawang aktibidad sa mga estudyante lalo na’t ngayon lamang ito nagawa gayundin ang livelihood program sa mga magulang ng mga mag-aaral.
Sinabi naman ni Sir Patrick Aurelio ang Corporate Social Responsibility (CSR) Officer ng RMN Foundation Inc., ikinasa ang aktibidad bilang bahagi ng pakikiisa ng RMN Foundation at RMN Networks sa selebrasyon ng National Dental Healthcare Month.
Sa kasalukuyan, ang mga batang estudyante ay binibigyan ng dental fluoride ng mga dentista mula sa Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs District 383.