Hinimok ni Education Secretary Leonor Briones ang mga gurong fully vaccinated na magpaturok na ng COVID-19 booster shots sa lalong madaling panahon.
Ito ay matapos na bawasan ng Food and Drug Administration (FDA) ang interval period sa huling shot at booster dose, mula anim na buwan patungo ng 3 buwan.
Ayon kay Briones, siya mismo ay nagpagpaturok na ng booster dose.
Ang panawagan ng kalihim ay sa harap ng plano ng Department of Education (DepEd) na palawakin ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa susunod na taon
Sa ngayon, 300 mga pribado at pampublikong eskwelahan na sa bansa ang nagpapatupad ng face-to-face classes.
Facebook Comments