
Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang mga guro na tumulong sa paghubog ng mag-aaral na may kritikal na pag-iisip sa harap ng fake news at misinformation age.
Sa kaniyang mensahe para sa National Teachers’ Month, hinimok ni VP Duterte, na dating naging Kalihim ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na ihanda ang mga bata sa landas patungo sa kung ano ang tama at katotohanan.
Pinasalamatan ni Duterte ang mga guro sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod para sa kinabukasan ng mga kabataan sa Pilipinas.
Pinuri ng bise presidente ang commitment ng mga mga guro sa pagpapatatag ng bansa sa kabila ng mga isyu sa education system, gaya ng kakulangan sa silid-aralan, limitadong resources at mabibigat na workload.
Facebook Comments









