
Aabot sa 57 porsyento ang naibawas sa trabaho ng mga guro sa paaarlan sa ilalim ng Department of Education o DepEd order No. 6 2025, kung saan mula sa dating 174 na school forms na kailangan sagutan at ipasa ng mga guro, ngayon ay nasa limang forms na lang ito.
Sa ibinigay na feedback sa DepEd ng ilang mga guro sa iba’t ibang paaralan, malaking tulong daw ito upang sila ay makapag-focus sa pagtuturo kaysa maubos ang kanilang oras upang sagutan ang accomplishment forms.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Anggara na binawasan ng DepEd ang pasanin ng mga guro upang mas mabigyan ang mga guro ng maraming oras at lakas sa pagtuturo.
Facebook Comments









