Mga guro, ipinasasama na sa prayoridad ng mababakunahan ng COVID-19 vaccine

Umaapela si Marikina City Rep. Stella Quimbo na isama na ang mga guro sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Sa inihaing House Joint Resolution No. 35, ipinalilipat ni Quimbo ang mga guro sa A4 mula sa B1 priority group na listahan para sa COVID-19 vaccine.

Katuwiran ng kongresista, ang mga guro ay frontliners din ng mahalagang sektor ng edukasyon kaya dapat lamang na matiyak na magagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin sa pinakaligtas na paraan.


Dagdag pa ni Quimbo, ang pagsama sa mga guro sa prayoridad sa inoculation program ay mangangahulugan ng mas mabilis na pagbalik ng face-to-face classes.

Sa ngayon, tanging mga healthcare workers ang top priority sa vaccination program dahil sa mas exposed sila sa COVID-19.

Facebook Comments