Mga guro, makakatanggap ng 3,500 pesos na cash allowance ngayong buwan – DepEd

Makakatanggap ang mga guro ngayong buwan ng one-time ₱3,500 cash allowance.

Ang naturang cash allowance ay dating tinatawag na “chalk allowance.”

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla, maaari nilang gamitin ang karagdagang allowance para sa pagbili nila ng mga kakailanganin sa pagtuturo para sa nalalapit na school year 2020-2021.


Aniya, hinihintay na lamang nila ang guidelines para sa paggamit ng cash allowance.

Paglilinaw rin ni Sevilla, ang cash allowance ay hindi kailangang i-liquidate ng mga guro.

Ang cash allowance ay ibibigay sa mga guro kasama ang kanilang sahod para sa buwan ng Hunyo.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Department of Budget and Management (DBM) para sa communication allowance ng mga guro.

Nakikipagtulungan din ang DepEd sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at ilang telecom companies para sa kasunduan hinggil sa internet subscription ng mga guro.

Facebook Comments