Mga guro, makakatanggap ng freebies ngayong National Teacher’s Month

Manila, Philippines – Makatatanggap ng freebies ngayong National Teacher’s Month ang mga guro.

Kabilang na rito ang libreng entrance fee sa ilang museo at diskwento sa dalawang sikat na theme park at isang mall giant sa bansa.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones – nais nilang matapatan ang serbisyo at sakripisyo ng mga guro sa bansa.


Itutulak nila ang mataas na pasahod sa mga guro na nasa pribadong paaralan.

Target din ng DepEd na mapalawak ang benepisyong natatanggap ng mga public school teachers sa kanilang provident fund at health coverage.

Magtatagal ang umaapaw na freebies at discounts sa mga guro mula September 5 hanggang October 5.

Facebook Comments