Iinihain ni Senator Grace Poe ang Senate Bill Number 1189 o panukalang Teacher Protection Act.
Layunin ng panukala na protektahan ang mga guro at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan na nahaharap sa mga reklamong kriminal at administratibo dahil sa pagdisiplina sa estudyante.
Inaatasan ng panukala ang Department of Education (DepEd) na bigyan ng legal assistance o tulong ng abogado ang mga guro at school personnel.
Nakapaloob din sa panukala ang pagbuo ng DepEd ng manual ng pamantayan ng pagdisiplina ng mga guro sa mga estudyante at parusa sa mga estudyanteng mag iimbento ng reklamo laban sa mga guro.
arget din ng panukala ni senator poe na amyendahan ang Anti-Child Abuse Law o Republic Act 7610 para hindi na ituring na child abuse, cruelty at exploitation ang pagdisiplina sa mga mag-aaral.