Mga guro, nakatanggap ng P1,000 insentibo, pagkilala at pagpupugay sa World Teachers’ Day

Nakatanggap ang mga guro sa buong bansa ng 1,000 pisong insentibo kahapon bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Tinatayang nasa higit 925,000 public school teachers ang nakatanggap nito ngunit may ilang mga guro ang hindi nakatanggap nito kahapon.

Paliwanag naman ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa, na-download na pondo para rito at kung magkakaroon man ng delay ay bunsod lamang ng payroll processing.


Nagpasalamat naman ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa insentibo ngunit dapat seryosohin din ng pamahalaan ang kanilang panawagan na itaas ang buwanang sahod ng mga guro.

Samantala, kaliwa’t-kanan naman ang mga pakulo ng mga estudyante at ilang mga grupo sa pagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa mga guro.

Mula sa tipikal na pa-cake, balloons, bulaklak at regalo na handog ng mga estudyante hanggang sa mga pulis na nangharana sa mga guro ng Lumot National High School sa Cavinti, Laguna.

Facebook Comments