Mga guro ng Dipolog na pumunta ng Seoul, South Korea, iimbistigahan ng DepEd sa paglabag sa COVID-19 travel protocol

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa mga personnel nito na lumabag sa ipinatutupad na travel protocol kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 o COVID 19.

Tinutukoy ni DepEd Undersecretary Alain Pascua, ang apat na guro at isang school district supervisor sa Dipolog City na pumunta ng Seoul Korea noong February 22-25 at bumalik sa bansa via Mactan-Cebu International Airport noong February 26.

Aniya, hindi umano sila sumailalim agad ng Mandatory 14th day self-quarantine pagkabalik ng bansa.


Titingnan din, aniya, kung may may aprobadong travel order ang mga ito.

Pahayag niya, kung sakaling mapatuyan na lumabag sila sa nasabing travel protocol, maaari silang maparusahan.

Nakasaad sa DepEd Memurandum kaugnay sa COVID-19, na agad sumailalim ng 14th day self-quarantine ang sino mang DepEd personnel at magaaral na nagmula sa mga bansa na apektado ng nasabing virus o na expose sa mga tao na possible carrier ng COVID-19.

Facebook Comments