Mga guro, nurse kasama sa mabibigyan ng dagdag sahod

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang bagong Salary Standardization Law.

Bagamat hindi masyadong malaki ang magiging dagdag sahod, tiniyak ng Pangulo na magiging sapat ito.

Para kay Education Secretary Leonor Briones na pagtataas ng sahod ng mga guro sa 10,000 pesos kada buwan na ipinapanukala ng ilang grupo ay paglalaanan ng gobyerno ng 150 billion pesos.


Nakikipagtulungan ang education department sa economic team ng gobyerno para makahanap ng paraan para sa dagdag sahod ng nasa 830,000 na mga guro.

Facebook Comments