Magbibigay ang Department of Education (DepEd) ng P5,000 cash allowance sa mga public school teachers kasabay ng pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, lahat ng guro ay makatatangap ng cash allowance bilang tulong sa paghahanda nila sa pasukan.
Ang dagdag-pondo ay hiwalay pa sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan.
Aniya, maaaring gamitin ang P5,000 cash allowance sa iba pang kailangan ng mga guro gaya ng pang-internet.
Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng DepEd ang posibilidad na pagbibigay sa mga guro ng loans at iba pang non-financial benefits.
Inaasahan namang madaragdagan na ng sahod ang mga public school teachers bago ang 2023.
Facebook Comments