Mga Guro sa Pribado at Pampublikong Paaralan sa Cauayan City, Bibigyang Pugay!

418

*Cauayan City, Isabela*- Bibigyang pugay ang lahat ng mga guro sa Pribado at Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Cauayan sa darating na Hunyo 21, 2019 na gaganapin sa F.L Dy Coliseum na may temang ‘Gabay Guro Teacher Fest 2019’ ito ay dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa lipunan at pangalawang mga magulang sa mga mag aaral.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Bernard Faustino M. Dy, City Mayor sa nasabing lungsod, aniya ito ay handog ng isang pribadong kumpanya na Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at SMART Communications, Inc.


Sinabi pa ni Mayor Dy na ang mga guro ay kinakailangan lamang bigyan ng pagpupugay dahil sa malaking ambag ng mga ito sa lipunan

Inaasahan namang makikisaya ang iba’t ibang artista sa industriya ng showbiz na kinabibilangan nina Gabby Concepcion, Jaya, Jona Viray, Jason Abalos, Christian Bautista at marami pang iba.

Nagpapasalamat naman si Mayor Dy sa lahat ng mga guro sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo.

Facebook Comments

From Advertisers