Isang araw bago ang Midterm Polls, maglalagay na ng Election Hotline booth ang Quezon City Public School Teachers’ Association sa QC City Hall.
Ayon kay Kris Navales, ang pangulo ng QCPSTA, layon nito na maasistihan ang mga teacher-poll workers sa distribusyon ng mga Election paraphernalia.
Bibigyan din ng mga leaflets ang mga miyembro ng Electoral board para sa kanilang Election Hotline.
Una nang inilunsad ng QCPSTA ang hotline na ang pangunahing layunin ay maprotektahan ang mga guro sa anumang kaso ng harassment, pagbabanta at iba pang concerns habang nagsisilbi sa halalan.
Magiging operational ang Hotline hanggang 15 araw pagkatapos ng eleksyon.
Ayon pa kay Navales , limang guro ang mangangasiwa sa hotline – na binubuo ng isang landline at 2 mobile numbers.
Lahat ng concerns ng mga guro ay maaaring itawag sa landline na 426-2238 at cel numbers na 0915-5719601 at 0947-7110427.
May itatalaga ding Quick Response Team na binubuo ng 20 guro ang on standby.
Abot sa 2,000 guro sa Quezon ang magsisilbing Board of Election Inspectors sa magaganap na botohan sa QC bukas.