Wala pang aasahang taas sahod ang mga guro hanggang sa susunod na taon.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Teachers Dignity Coalition Chairman Benjo Basas, kahit sa national budget na dinidinig ngayong ng mga mambababatas ay hindi kasama ang taas sahod ng mga guro.
Ibig sabihin nito aniya ay hanggang 2024 ay wala pang pagtaas ng sahod para sa mga guro.
Bagamat umaasa sila sa naging pahayag ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na pinag aaralan na nila ang taas sahod ng mga guro.
Ayon pa kay Basas matagal na panahon ng walang naganap na taas sahod sa mga guro na dahilan ng kanilang matagal na ding hinihiling. |ifmnews
Facebook Comments