Mga gurong baon sa utang, pinatutulungan sa DepEd

Manila, Philippines – Hiniling ng isang mambabatas sa Department of Education na tulungan ang mga guro na baon sa pagkakautang.

Pinarerebisa ni 1-Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro ang DepEd Order tungkol sa take-home pay ng mga guro na naka-set lamang sa P4,000 ngayong taon at nasa P6,000 na sa 2018.

Layon ng net take home pay na limitahan sa mga kaltas sa sweldo ang mga guro pero ang nangyayari ay maraming public school teachers ang baon sa utang at halos wala nang maiuwing sweldo.


Karaniwang baon sa utang sa mga private lending companies ang mga guro kaya lalong tumataas ang interes sa utang ng mga ito kapag hindi agad nababayaran.

Iminungkahi ni Belaro sa DepEd na isailalim sa intensive formal trainings tungkol sa financial literacy at personal finances ang mga guro upang maisaayos ang kanilang mga gastusin.

Facebook Comments