Nagsimula na ang Task Force Election ng Department of Education (DepEd) sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa para isailalim sa training o pagsasanay ang mga gurong magsisilbing electoral board para sa eleksyon 2022.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Education Undersecretary Alain Pascua na nitong nakalipas na Marso sila nagsimulang magsanay ng mga guro.
Ayon kay Pascua, 320,000 mga guro sa buong bansa ang sasabak sa eleksyon sa Mayo.
Aniya, mayroon ding hiwalay na orientation ang mga guro na isinagawa naman ng Commission on Elections (COMELEC).
Dito ipinauunawa sa mga guro ang kanilang magiging tungkulin at ang mga regulasyong ipinatutupad ng komisyon para sa pagsasagawa ng eleksyon sa May 9.
Facebook Comments