Mga gurong magsisilbing BEIs sa darating na 2022 presidential election, dapat bakunado!

Ilang buwan bago ang May 2022 presidential election, nakikipag-usap na ang Commission on Elections (COMELEC) sa Department of Education (DepEd) ukol sa mga gurong magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa darating na halalan

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nais ng poll body na bakunado na laban sa COVID-19 ang mga BEIs sa 2022 elections.

Ito ay para matiyak na protektado ang mga guro sa nakamamatay na virus.


Pinaplansta na rin ng COMELEC ang budget proposal na isusumite sa Kongreso.

Kahapon lamang ay inaprubahan ng COMELEC ang pagpapalawig ng oras ng voter registration pero tinutulan ang mungkahing pagpapalawig sa deadline na October 31, 2021.

Ang oras na ng voter registration ay simula Lunes hanggang alas 7:00 ng gabi at alas 5:00 ng hapon naman tuwing sabado.

Facebook Comments