Mga gurong, nagbabayad para sa research papers para sa promotion, sinisiyasat na ng DepEd

102

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang mga ulat na may ilang guro ang nagbabayad o bumibili ng research papers para maipasa bilang requirement para sa promotion.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hinihikayat niya ang mga mayroong ganitong impormasyon na makipagtulungan sa kagawaran.


Nangangalap na sila ng ebidensya para patunayang nangyayari ito.

Binigyang diin ni San Antonio na hindi sinusuportahan ng DepEd ang mga ganitong aktibidad.

Facebook Comments