Mahigpit ang ginagawang pagmomonitor ng Manila Engineering Department sa mga lumang gusali at mga nagkabitak bitak sahil sa nangyaring lindol noong Lunes ng hapon sa Maynila.
Puspusan ang ginagawang pag iinspeksyon ng Manila Engineering Department sa mga lumang gusali sa Maynila para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Una rito tumagilid din ang gusali ng Sun Joy Tower sa Binondo nnag mangyari nag 6.1 magnitude na lindol noong lunes habang napasandal naman sa katabing gusali ang isang gusali ng Emilio Aguinaldo College na matatagpuan sa San Marcelino Strewt kanto Un Ave. Ermita .
Bukod sa Sun Joy Tower at EAC isa ring gusali sa Ongpin Street Tomas Mapua sa Binondo Maynila ang bahagyang nagkaroon ng mga sira dahil sa naturang lindol.
Pinayuhan ng Manila City Government ang mga Manilenyo na maging mapagmasid at ireport agad sa mga otoridad kung mayroon silang nakikitang mga lumang gusali na nagkabitak bitak upang agad mabigyan ng kaukulang aksyon ng pamahalaan.