Mga gusali ng gobyerno, isasailalim sa auditing

Manila, Philippines – Ipinapasailalim sa audit ang lahat ng government infrastructure para matiyak ang tibay ng mga ito laban sa lindol.

 

Ang suhestyon ay matapos na yanigin muli ang Northern Mindanao ng 5.9 magnitude na lindol kamakalawa.

 

Sa joint resolution na ihahain ni Quezon City Rep. Winston Castelo, lilikha ng two bodies na susuri sa tibay at tatag ng mga government buildings sa buong bansa.

 

Ang isang tanggapan ay magsasagawa ng initial inventory at audit sa government infrastructure na bubuuhin ng mga kinatawan mula sa COA, Philippine Institute of Certified Public Accountants, myembro mula sa Kongreso, engineers mula sa mga government agencies, Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) at Integrated Bar of the Philippines.

 

Samantala, ang isang tanggapan naman ay para sa pagsusuri ng structural integrity ng gusali na bubuuhin naman ng mga structural engineers at iba pang construction experts mula sa gobyerno at pribadong sektor.

 

Tututukan ang mga gusali na 25 taon nang nakatayo at mga buildings na itinayo o malapit sa fault line.

 

Giit ni Castelo na dapat umaksyon na ngayon ang pamahalaan bago pa dumating ang kinakatakutang "big one" na posibleng yumanig sa buong Metro Manila.

Facebook Comments