Naka-half-mast na ngayon ang lahat ng gusali ng gobyerno sa Muntinlupa City.
Kasunod ito ng pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon na dati ring kongresista ng nasabing lungsod.
Batay sa instruction ni Muntinlupa City Administrator Engr. Allan A. Cachuela, bukod sa city quadrangle ay inilagay na rin sa half-mast ang lahat ng government institutions sa lungsod.
Kabilang na rito ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Colegio de Muntinlupa, barangay halls at mga paaralan.
Si Biazon ay nagsilbi rin bilang Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at sa Defense Department.
Facebook Comments