Muling isinailalim sa disinfection ngayong araw ang Department of Justice (DOJ) matapos na ilang mga empleyado nito ang nagpositibo sa rapid test.
Maging ang maintenance personnel ng DOJ ay tumulong sa disinfection kung saan sila ay pawang nakasuot ng PPE o Personal Protective Equipment.
Ang DOJ ay nasa skeletal workforce pa rin at naka-work from home ang kanilang mga empleyado na hindi kailangang physically magtungo sa tanggapan.
Maging ang ilang piskal ay hindi rin muna nagtungo ngayong araw sa DOJ kung saan ginagawa ang disinfection.
Facebook Comments