Mga gustong sumama sa Partido Reporma na alyansa ni Senator Panfilo Lacson, dumarami

Dumagsa ang mga gustong sumama sa Partido Reporma matapos ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagkapangulo ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Batay sa tala ng membership division ng Partido Reporma, araw-araw ay nakakatanggap sila ng nasa 1,000 aplikasyon na dumaraan online at mismong pagtungo sa headquarters at pagsusumite ng nilagdaang dokumento.

Malaki ang naitulong ng Online Kumustahan, ideyang pumasok sa Partido Reporma upang makausap ng mga kandidato nito ang mga botante at matanong kung ano ang kanilang mga nais.


Sa kasalukuyan, nasa 10,000 na ang aktibong miyembro ng partido na kinabibilangan ng mga political leaders, mga kandidato at maging ng mga ordinaryong mamamayan.

Una na ring isiniwalat ng Lacson-Sotto tandem na posibleng umabot sa 15 ang senatoriable na dadalhin ng kanilang grupo dahil marami ang nais sumapi sa kanilang samahan.

Sa ngayon, may tatlong senatoriable na ang partido na kinabibilangan ng; health expert na si Dra. Minguita Padilla, dating Makati Congressman Monsour Del Rosario at kinatawan ng sektor ng may kapansanan na si Paolo “Powee” Capino.

Facebook Comments