Samasalang sa interbyuw ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Italy na gustong umuwi ng Pilipinas.
Sa laging handa public press briefing sinabi ni Philippine Ambassador to Italy Domingo Nolasco na masusi nilang ine-evaluate ang kahilingan ng ating mga kababayan na makabalik ng bansa.
Mayruon kasi sa mga ito ang gusto pang bumalik ng Italya matapos lamang ang Coronavirus disease.
Pero mayroon ding gusto nang umuwi ng bansa at dito na lamang manatili.
Kasunod nito tiniyak ng Embahada na tutulungan sa kahit anong paraan ang ating mga kababayan.
Pag napayagang umuwi ng bansa, dadaan din ang mga ito sa mandatory self-quarantine.
Una nang sinabi ng DOLE na magkakaloob ang gobyerno ng $200 o katumbas ng P10,000 sa mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.