Mga gwardya, dapat armasan – PNP

Manila, Philippines – Iminungkahi ng Philippine National Police (PNP) na armasan na ang mga gwardya sa loob ng mga establisyimento.

Kasunod ito ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila.

Ayon kay national Capital Region Police Office (NCRPO) Director, C/Supt. Oscar Albayalde – bigyan na ng armas ang mga security personnel sa loob ng mga hotel.


Nabatid na ang babaeng gwardyang sumalubong sa suspek ng RWM attack ay walang dalang baril.

Pero duda naman si Adrian Picar, President ng Accommodation Establishments Security And Safety Coordinating Council (AESSCC) dahil baka ang mga security personnel pa ang gumamit ng dahas at maka-intimidate sa kanilang mga guest.

Maari naman aniyang ilagay sa isang vault ang mga armas at kunin na lamang kung kinakailangan.

Aminado naman si Albayalde na delikado minsan na maging armado ang mga security officer lalo na kung kulang sa pagsasanay.

Dapat din aniyang makipag-ugnayan ang mga security agency sa mga pulis.

Samantala, iniimbestigahan naman ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng huling dalawang kasama ng mga suspek bago ang insidente sa Resorts World Manila.
DZXL558

Facebook Comments