Mga haka-haka laban sa pagbabakuna sa mga bata kontra COVID-19, hindi dapat paniwalaan

Hinimok ni Francis “Kiko” Pangilinan ang mga magulang na pabakunahan na agad laban sa COVID-19 ang kanilang mga anak na 5 hanggang 11 taong gulang para mapabilis ang pagkamit natin ng herd immunity.

Payo ni Pangilinan sa mga magulang, huwag maniwala sa mga haka-haka laban sa COVID-19 vaccine dahil malinaw na base sa siyensa, ito ay ligtas at epektibo para sa lahat kasama ang mga bata.

Pabor si Pangilinan sa pagbabakuna at sa katunayan, lahat ng staff niya sa Senado ay bakunado na pati ang kanyang pamilya at lahat ng kanyang mga kasama sa bahay.


Sabi ni Pangilinan na kahit isa sa kanila ay hindi nakaranas ng seryosong side effects at lahat ay ligtas dahil kung may tinamaan man ng COVID ay mild symptoms lang ang naranasan.

Kaya naman apela ni Pangilinan sa lahat, bigyan ng chance ang pagpapabakuna dahil gusto nating protektahan ang lahat ng nasa paligid natin.

Facebook Comments