Mga hakbang at polisiya ng bansa kaugnay sa renewable at clean energy, iprinesenta ng DOE sa United Nation Climate Change Conference

Inilahad ng Department of Energy (DOE) sa United Nation (UN) Climate Change Conference of the Parties ang mga hakbang at polisiya ng gobyerno kaugnay sa pagtahak ng bansa sa renewable at global clean energy.

Isa sa mga ibinida ni DOE Secretary Alfonso Cusi ang adbokasiya ng kasalukuyang admnistrasyon na magkaroon ng tiyak na pangmatagalang pagkukunan ng enerhiya na aabot hanggang sa susunod na henerasyon.

Sinabi rin niya na ang bansa ay mayroon nang nakalatag na mga polisiya at hakbang kaugnay sa renewable energy at global clean energy transition.

Sa nasabing virtual conference, nagkasundo ang 21 minister ng energy sector mula sa iba’t ibang bansa ang pagkakaroon ng clean power technologies na layon nilang doblehin ang rate of investment nito sa taong 2030 at mag-develop ng polisiya at regulatory frameworks upang mas maraming private sector ang mag invest nito.

Kasama rin sa pinagkasunduan, ang pagbibigay suporta sa mga komunidad na umaasa sa coal economy upang matiyak ang pag transition sa clean energy at walang mapag-iwanan nang dahil sa programa para sa clean at renewable energy na maaaring mapakinabangan ng lahat ng bansa.

Facebook Comments