
Pag-uusapan ng mga lider ng Kamara ang nararapat na hakbang kaugnay kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na nahaharap ngayon sa mga alegasyon ng budget insertions at maanumalyang flood control projects.
Sinabi ito ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kasunod ng pagbawi niya sa travel clearance ni Co at utos na umuwi ito sa Pilipinas sa loob ng sampung araw.
Ayon kay Speaker Dy, tatalakayin ng House leaders at ng Chairman ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagpapabalik kay Co sa bansa at ang nararapat na kahinatnan nito.
Sa ngayon, hindi pa tiyak ni Dy kung natanggap na ni Co ang abiso ng pagkansela sa travel clearance nito.
Kapag hindi sumunod si Co sa 10-day period ng pagbalik niya sa bansa, posible itong maharap sa disciplinary at legal actions.









