Mga hakbang kontra sa online scams, pag-iigtingin ngayong kapaskuhan ng PNP

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang nito kontra sa mga online scams lalo na at malapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay Acting Chief PNP PLTGEN. Jose Melencio Nartatez Jr., bumaba ang bilang ng mga naiulat na online scam ngayong taon.

Sa huling datos ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) noong 2024 nasa 7,081 cases ang naitala ng ahensya habang ngayong taon ay nasa 3,941 ang naitala, mas mababa kumpara sa nakaraang taon.

Nagbigay naman ng paalala ang PNP na wag basta magclick ng mga kahina-hinalang links, i-check ang mga spelling error o unusual URLs, at wag magbibigay ng mga personal at financial information sa mga nasabing scammer.

Facebook Comments