Inihayag ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na pinalakas na nila ang mga hakbang laban sa COVID-19 upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa lungsod.
Nabatid na inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mayroon ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Mayor Teodoro, maliban sa mahigpit na pagpapatupad ng safety and health protocols, mas papalawakin pa aniya ang testing and contact tracing sa lungsod.
Sasabayan din aniya ito ng mas epektibong isolation at quarantine upang matiyak na hindi na kakalat pa ang nasabing virus.
Dagdag pa ng alkalde, bibilisan din nila ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 upang agad na makamit ang herd immunity sa lungsod para mabigay sila ng proteksyon laban sa banta ng Delta variant.
Posible rin aniya na magpatupad ng mga granular lockdown sa ilang lugar sa lungsod bilang bahagi ng proactive measure laban sa nasabing sakit.